"Naka-dr*gs ka ba?!" singhal ni Yolly sa binata. Hindi pa rin niya kasi maintindihan. Hindi ito ang inaasahan niyang gagawin ni Andy. Ang inasahan niya ay magagalit ito sa kanya, kamumuhian siya, at pagtataguan siya. Ang kaso ay kabaliktaran lahat dahil ito pala mismo ang lalapit sa nanay niya raw. Parang gusto niyang maloka. Kung iisiping mabuti kasi ay isang kagaguhan ang nais ni Andy ang mangyari. Gawain ba 'to ng matinong pag-iisip ng isang lalaki? Hindi, 'di ba? Kaya alam niya, sigurado siya, malamang nga ay naka-dr*gs ang binata ngayon. Tumira ito kanina kaya ang isip ay parang ewan. "What are you talking about?" Mas naging masama ang tingin sa kanya ni Andy. "Hindi kasi normal ang ikinikilos mo. Baka kako tumira ka ng bato?" Napasinghap ng hangin si Andy. "Alam mo ibaba mo na l