PART 32

1336 Words

"Sa tingin mo babalik pa ‘yon?” tanong na naman ni Aling Yolanda kay Yolly. Kung bibilangin mula kanina pang umalis si Andy para kumuha raw ng gamit sa bahay nila ay siguro mga pang-bente na ‘yun na tanong ng ginang. Panay rin ang silip sa bintana at labas ng bahay para i-check kung dumating na ang binata. Tumirik lang ang mga mata ni Yolly. Kampante lang siya na nanonood ng TV. Wala siyang pakialam kung babalik pa si Andy o hindi. Sana nga ay hindi na, eh, dahil kawawa lang talaga ang taong iyon kapag papatali ito sa gaya niyang panget. "Matino naman iyon na kausap, 'di ba? 'Di ba, 'Nak?" "'Nay, huwag na kasi kayong umasa dahil malamang nasa airport na 'yon. Tatakas na ‘yon. If I know baka kunwari lang niya na pananagutan niya ako pero ang totoo ay tactic niya lang iyon para makatakas.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD