Naalimpungatan si Yolly mula sa mababaw pa niyang pagkakatulog dahil sa mga boses na naririnig niya. Boses ng kanyang ina at isang hindi niya kilalang boses ng babae. At parang nag-aaway ang dalawa. "Imposible na mabuntis ng anak ko ang anak mo! Alam ko na ang mga bagay na ganyan! If I know sinasabi niyo lang na ang anak ko ang nakabuntis sa anak mo pero ang totoo ay ibang lalaki ang nakabuntis sa kanya! Ang tawag 'don ay pamimikot!" malakas na boses ng babae. Pasigaw at halatang galit na galit. "Ang kapal naman ng mukha mong sabihan 'yan sa anak ko! Ang sabihin mo ay g*go 'yang anak mo! Kung ayaw niyang panagutan ang anak ko! Dapat ay hindi niya ginalaw ang anak ko!" malakas na boses din ng kanyang nanay. Sa pagkakataong iyon ay kinabahan na si Yolly. Bumalikwas siya nang bangon. Agad