PART 34

1312 Words

"Umupo ka r’yan." Itinuro ni Yolly sa isang upuan sa kanilang kusina. "Anong gagawin mo?" nagtatakang tanong sa kanya ni Andy dahil hinila na lang niya ito basta-basta. "Basta umupo ka." Alanganin man ay umupo na nga si Andy. Hawak-hawak pa rin nito ang pisnging nasampal. Pigil na pigil naman ni Yolly ang tawa. Nakakatawa talaga ang hitsura ni Andy. Para itong binugbog gayong nasampal lang naman. "Subukan mong tumawa," banta sa kanya ng napapahiyang binata. "Huwag ka ngang OA. Parang hindi ka lalaki, eh." "Eh, sa masakit nga. Ikaw kaya masampal nang ganoong kalutong? Nabingi pa nga yata ako." "Oo na. Kaya nga gagamutin natin para hindi mamaga." Kumuha na siya ng tube ice sa ref nang talikuran niya ito tapos ay isang face towel. Ibinalot niya roon ang mga yelo. "Bitawan mo na nga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD