PART 25

1421 Words

Nagligpit agad si Leandro sa mga gamit niya nang pumatak sa pambisig niyang orasan na tapos na ang oras ng duty niya. Buti na lang at dumating na ang kapalitan niya sa duty. Uuwi na siya, pero bago iyon ay naisip niyang dadaanan muna siya sa bahay nina Yolly. Antok na antok man siya ay hindi na siya makapaghintay na malaman kung buntis ba ang dalaga o hindi. Atat na siya na pormahan ang dalaga oras na hindi ito buntis. Hinding-hindi na siya magpapakatorpe. "Una na ako, Pare," paalam niya sa kasamang si Max at agad sumakay sa kanyang motor. May hitsura naman siya. Guwapo siya. Ang totoo nga ay madaming nagka-crush sa kanya na mga estudyante. Poging Kuya Guard nga ang tawag sa kanya ng ilan. Pero ewan ba niya bakit kay Yolly siya nagkagusto. Siguro nga tama ang kasabihan na LOVE IS BLIND.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD