PART 26

1221 Words

"Nay?" Iyak nang iyak si Yolly sa may likod ni Leandro. Ngayon lang siya natakot ng ganoong katindi sa kanyang nanay. "'Yung Andy bang iyon ang ama?!" pasigaw na ulit na tanong ni Aling Yolanda sa dalawa. Galit na talaga ito. As in galit na galit na. "Siya ba ang ama?! Sumagot kayo! Isa!" Walang nagawa kundi ang tumango si Yolly at baka kung mapaano na naman ang nanay niya. Sobrang namumula na ang mukha nito at nanginginig. "Diyos ko." Stress si Aling Yolanda na hinawi ang mga buhok sa bandang noo nito. Mas nag-unahan naman sa pagpatak ang mga luha ni Yolly. Napasubsob na siya sa likod ni Leandro. Hirap ang kalooban niya na makita sa ganoong hitsura ang ina. Ayaw niyang saktan ang nanay niya. Ayaw niya. "Bakit ka nagpabuntis?! Bakit?! Hindi mo na naisip ang tatay mo na nagpapakahirap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD