"Dalhin mo na lang sa silid ko ang pagkain ko mamaya, 'Ya," matabang na bilin ni Andy kay Yaya Chadeng. Tiningnan niya ng masama si Yolly bago niya sila iniwanan. "Andy?" tawag ni Yolly sa binata pero parang walang narinig si Andy. Magpapasalamat lang sana siya dahil kahit galit ito ay sinundo pa rin siya nito. Tinapik ni Madam Angie ang balikat niya. "Hayaan mo na 'yon, Yolly. Ang importante nandito ka na. Bukas ka na mag-umpisa na kunin ulit ang loob niya." "Opo," sagot niya na nakasunod pa rin ang tingin kay Andy kahit wala na ang binata dahil tuluyan na itong nakapasok sa silid nito. Nakakalungkot lang talaga kasi. "Yaya Chadeng, magluto ka na masarap ng dinner natin. Yolly, samahan kita sa magiging silid mo para makapagpahinga ka konti." MAYAMAYA ay nasa sa isang silid na nga si