Nagulat si Andy nang madatnan niya sa apartment ni Patrick si Cindy. Galit na galit ang dalaga kay Patrick. Umiiyak din ito. "Ano'ng nangyayari?" tanong niya sa dalawa na halatang nagulat din sa biglaang pagsulpot niya. "Andy?!" Lumaki ang mga mata ni Cindy. Para itong nakakita ng multo. "Yeah? Ako nga?! Bakit kayo nag-aaway? What’s wrong?” Cindy's facial expression suddenly changed. Mula sa galit na galit ay naging maamo na at nahihiya pa. Pero nang ibalik nito ang tingin kay Patrick at hinampas nito ang binata sa dibdib. "Mag-uusap tayo ulit! Isusumbong kita sa mommy ko!" At pagkasabi n'on ay malalaki ang hakbang na iniwan na sila ng dalaga. "Cindy, No! 'Wag kang umalis! Nag-uusap pa tayo!" Hahabulin sana ni Patrick ang dalaga. "Don't dare follow me! At 'wag na 'wag mong sasabihin