Pakiramdam ni Yolly at Andy ay sila lang ang tao sa mundo ng mga sandaling iyon. Ang sandali na magkalapat ang kanilang mga labi at nakapikit ang kanilang mga mata. Pakiramdam din nila ay nasa isang magandang hardin sila, na may mga falling stars na nagsibabaan mula sa kalangitan at mga butterfly na nagliparan sa paligid. Tapos ay may mga nagputukang fireworks din sa di-kalayuan. Idagdag pa ang mga petal rose na nahuhulog mula sa kung saan na humahalimuyak ang bango sa hangin. Hindi mailarawan ang kanilang pakiramdam. Masarap, magaan at napakasaya sa damdamin. 'Yung feeling na sana hindi na matapos ang sandaling iyon, kahit pa ang hirap ng kanilang mga posisyon, kahit pa nangangawit na si Andy at ang sakit naman na ng likod ni Yolly. Natatalo ang lahat ng iyon sa hindi maipaliwanag na ka