"Aaahhh!" malakas na sigaw ni Yolly dahil para siyang kinakatay ng buhay sa loob ng silid na iyon. At nariring siya ni Madam Angie mula sa labas. "Okay lang ba siya, Mestisa?" "Yes po, Madam. Don't worry dahil lahat po ng first timer ay ganyan po talaga ang mga reaction nila," sagot ng baklang suki na ni Madam Angie sa pagpapaganda. Tumango-tango si Madam Angie. Ninerbyos ang ginang dahil parang hindi na lalabas ng buhay si Yolly sa kinaroroonan nila. Hindi na kasi talaga nag-aksaya pa ng panahon ang mayamang ginang. Pagsapit ng gabi ay dinala niya agad si Yolly sa pinakasikat at paboritong salon and spa niya. Dinala niya agad ang dalaga roon para maayusan na bago pa man magising si Andy sa ospital. Hindi bale't nandoon naman na si Yaya Chadeng para magbantay at mag-asikaso kay Andy ha