"Tita, magsisinungaling ulit ako? Ayoko na po, Tita," protesta ni Yolly kay Madam Angie. Pinagpipilitan pa rin kasi ng mayamang ginang ang idea nitong magpanggap siyang napuruhan para sa bahay nila muna siya titira. "Oo nga, balae. Saka kahit naman papalabasin natin na napuruhan si Yolly sa aksidente, eh, nandito naman ako na mag-aalaga. Hindi pa rin makatotohanan. Baka lalong magalit lang si Andy sa kanya," segunda ni Aling Yolanda sa sinabi niya. Hindi rin pabor ang nanay niya sa idea na iyon. "Pero paano sila magkakabati kung magkalayo sila, balae?" namoblemang saad ng madam. Nagkatinginan sina Aling Yolanda at Yolly. Nata-touch sila sa ginagawang effort ni Madam Angie. Hindi nga sila makapaniwala dahil sino ba naman sila para pag-aksayahan ng panahon ng madam, na kung tutuusin ay ma