"Patrick, wait..." Pinapahinto ni Cindy ang mabagal pang pag-andar ng kotse ni Patrick paalis sa bahay nina Andy. "Why?" "Look, it's Tita Angie." Itinuro ni Cindy sa bumabang madam sa kotse. Kita nila ang pagbaba rin ng isang babae na maganda, na kasing edad din yata nila. Tapos ay may binaba silang wheelchair, saka umupo roon ang magandang babae. "Kilala mo siya?" siko ni Karen kay Cindy. Umiling si Cindy na hindi inaalis ang tingin kina Madam Angie. "No." "Who's she? Ngayon ko lang din siya nakita, eh," saad naman ni Patrick. "Baka ipapakilala ni Tita Angie kay Andy kasi wala na sina Yolly at Andy." "Shut your f*cking mouth up!" pagtataray rito ni Cindy. "Hindi pwedeng magreto ng iba si Tita Angie kay Andy! Andy is mine!" Natigil sa pag-uusap ang tatlo nang makapasok na sa loob n