Marahas na tinanggal ni Andy ang kanyang malaking headphone at hinayaan lang iyon na nakasabit sa leeg niya. Sinubukan niyang abalain ang sarili sa panonood ng mga movie at sa pagsa-sound trip, kaso nakaka-badtrip lang dahil naiisip pa rin niya si Yolly kahit anong gawin niya. Pero hindi dahil sa kung anuman. Just to clarify, he was just wondering if Yolly has already left their house. He still doesn't care about that woman. Even if she starves to death or whatever. Pero paano kung totoong wala itong kasama sa bahay nila? Na umalis nga ang nanay nito? Paano kakain si Yolly? Paano iyon kikilos kung naka-wheelchair? "Come on, Andy! Huwag ka nga papadala sa konsensiya mo!" saway niya sa sarili saka padabog na tumayo sa couch at pabalibag na ibinato ang remote sa kama niya nang mapatay niya