"What the—" Kulang na lang ay mapamura si Andy sa isa pang request ng mommy niya. Akala niya kasi ay tapos na ang pangungulit sa kanya ng mga ito pero may mas malalala pa pala silang gusto nilang gawin niya ngayon. "Sige na, Son. May mahalaga kasi akong meeting ngayon. Kailangan kong dumalo ro'n para sa mga negosyo natin." Paano ay siya pa ang inuutusan ng mommy niya na sumundo kay Yolly. Eh, di wow! "At bakit ako?!" Nanlisik na talaga ang mga mata niya. He can't believe this! Is his mother playing a joke on him? "Dahil wala ngang pwedeng sumundo sa kanya, Son. Please understand that Yolly needs you right now. Sige na, ha?" sumamo pa rin ni Madam Angie. Napasinghap siya sa hangin pagkuwa'y napatingin siya kay Yaya Chadeng niya. "Ay, Diyos ko! Nirarayuma na naman yata ako!" Kaya lang