"A guard? At ano naman ang nakain mo, Delfin, at ngayon ka kumuha ng guwardya dito sa bahay?!" malakas ang boses ni Madam Angie. Kausap niya ang dating asawa sa cellphone. "Naisip ko lang naman ang kapakanan niyo d’yan dahil nandiyan kayo ulit sa bahay ni Andy. Mabuti nang may nakabantay sa inyo dahil wala na ako riyan," malumanay naman na paliwanag ni Sir Delfin kay Madam Angie. "Salamat, ha? Dahil may concern ka pa pala sa amin sa kabila nang pagtataksil mo sa 'kin," pero pasarkastikong sagot ng madam. "Angie, please, try to forget about that thing and let's move on. May kasalanan ka rin naman dahil pinabayaan mo ako na asawa mo." "Damn you! Ako pa talaga ang sinisisi mo sa pambabae mo! Ang sabihin mo malandi ka lang talaga na matanda ka! Tuloy, pati buhay ni Andy nagkagulo-gulo na r