"Oh, nasaan na si Yolly? Male-late na ako sa appointment ko," tanong ni Madam Angie sa anak sabay tingin na naman nito sa mamahaling relo na pambisig. Kamot-batok naman si Andy. Hindi niya kasi makita talaga si Yolly sa bahay. "Mom, siguro umalis pala siya. Saka mo na lang siya isama." Napabuntong-hininga si Madam Angie. "Okay, sige sabihin mo na lang na dumaan ako rito, ha?" "Yes, Mom. Thanks." Iika-ika pa rin si Andy na inihatid sa labas ang mommy niya. At nang hindi na niya matanawan ang kotse ng ina ay saka siya nakaramdam ng pag-alala. Nasa'n na kaya si Yolly? Kasalanan niya ito, eh. Ano ba kasing pumasok sa isip niya at nagawa niya 'yon? Muntik pang nabasag tuloy ang kinabukasan niya. SA BAHAY NINA CRISTINE. "Bastos 'yon, eh!" Inis na inis pa rin si Yolly kay Andy. Kina Cris