PART 54

881 Words

"Kasi hindi ako... uhm—" utal-utal at garalgal ang tinig na umpisa ni Yolly sa nais niyang aminin sana kay Leandro. Subalit parang hindi niya kayang sabihin pa rin na hindi siya buntis. Hindi niya maituloy-tuloy. Hindi naman sa hindi na niya pinagkakatiwalaan si Leandro, nahihiya lang kasi siya at para kasing may kung anong pumipigil sa kanya. "Kasi hindi ako ano?" Nakagat niya ang pang-ibabang labi niya saka tumingin sa malayo. Lumaylay rin ang mga balikat niya. Paano ba 'to? Ang hirap naman. "Paano kita matutulungan sa problema mo kay Andy kung hindi mo sasabihin sa 'kin?" pamimilit ni Leandro kay Yolly. Hawak pa rin nito ang cellphone nito at alam nitong nasa linya pa rin si Andy. Sana lang ay unli call ang loko para marinig nito ang lahat ng pag-uusapan nila ni Yolly. SA SILID KUNG

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD