PANAY ang sipat ni Elias sa suot niyang relong pambisig. Hindi puwedeng umabot ng kalahating oras sa pakikipag-usap si Natassa kay Tanner. Nang tingnan niya ang dalawa ay magkayakap na naman ang mga ito. Pilit niyang binabalewala ang kanyang nararamdamang insecurity. Hindi niya maaring konsintihin ang kanyang damdamin gayung alam niya na wala iyong kasiguruhan. Napansin niya na tila umiiyak si Tanner, ganoon din ang dalaga. Hindi niya mahulaan kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito. May sampung dipa ang layo niya sa mga ito. Mamaya ay nagpaalam na si Natassa kay Tanner. Umalis naman kaagad ang binata. Hilam sa luha ang mga mata ni Natassa nang makalapit ito sa kaniya. “Ihatid mo na ako sa bahay,” malumanay na sabi nito. Hinawakan naman niya ito sa kanang balikat saka siya nag-teleport k