INIHAGIS ni Elias ang napulot niyang puting bato sa karagatan. Idinuduyan ng malakas na alon ang sinasakyan niyang yate. Nasaksihan niya ang paglabas ng araw. Napakagandang simula iyon ng araw. Itinukod niya ang kanyang mga braso sa bakal na barandilya sa gilid ng yate. Sinasariwa niya ang magagandang alaala na dumaan sa buhay niya. Naisip niya, panahon na para isantabi niya ang ilang masalimoot na nakaraan upang ibuhos ang panahon sa kasalukuyan. “Ang daya mo. Hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataon na makasama ka nang matagal. Sana hindi na lang ako nag-asam na makasama ka. Sasaktan din pala ako ng pagkawala mo sa buhay ko. Hindi mo lang alam kung gaano ka kahalaga sa akin. Ano man ang ginawa mo, hindi iyon dahilan para kamuhian kita. Alam ko, ginawa mo ang lahat para sa akin,” ma
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books