TULALA pa rin si Natassa habang inaalala ang mga panahong kapiling niya si Elias. Akala niya ay handa siya pero noong nalaman niya na kinailangang patayin si Elias ay tila gumuho ang mundo niya. Hindi matanggap ng sistema niya ang natuklasan tungkol sa katauhan nito. Nalaman niya mula kay Devey na si Elias ang sinasabing anak ng diablo na magsisilbing lagusan ng mga masasamang elemento para pagharian ang mundo nila at wasakin ang mga imortal. Hindi siya makapaniwala na may itinatagong itim na kapangyarihan si Elias. Ngunit hindi sapat ang mga iyon upang balewalain niya ang binata. Hindi niya magawang tanggapin na idiniklara na itong patay. “We need to kill him for the sake of all innocent vampires!” naalala niyang sabi sa kanya ni Devey, noong kausapin niya ito. Doon siya labis na naiin