HINDI mahulaan ni Elias kung ano ang iniisip ni Trivor nang matagpuan sa puder niya si Natassa. Umaasa na lamang siya kay Natassa, na maipaglalaban siya nito. Wala pang isang oras na umalis sina Trivor at Natassa ay dumating naman si Zyrus kasama si Alessandro. Nagbukas siya ng isang bote ng red wine para pagsaluhan nila habang nag-uusap sa sala. “Kumusta ka na, Elias? Sinusumpong ka na naman daw sabi ni Mama,” tanong ni Zyrus. Nakaupo ito sa sofa sa tapat niya katabi si Alessandro. “Okay na ako,” sagot niya. “Sinumpong ka na naman pala, Tito. Katulad pa rin ba dati ang sistema?” ani ni Alessandro. “Uh, mas malala ngayon. Mas matagal ang epekto sa katawan ko,” sabi niya. “That’s because you f*cked hard,” walang gatol na sabi ni Zyrus. Umismid siya. “I can’t help it. I’m still a man,”