PAGBALIK ni Elias sa function room ay wala na siyang ganang makihalubilo sa mga kasama nila. Hinarang siya ni Eunice. Napansin niya na tinamaan na ito ng kalasingan. Iniwasan niya ito. Tinungo niya ang pinto at dagli siyang lumabas. Pagdating niya sa beach front bar ay umupo siya sa natumbang puno ng niyog. Hindi pa rin niya maintindihan ang nangyayari sa kanya. Palagi siyang walang magawa sa tuwing inaalipin siya ng init na nasa loob ng katawan niya. Nararamdaman niya ang ginagawa niya ngunit hindi niya kayang kontrolin at lalong hindi niya mapigilan. Nagigising na lang siya na tapos na ang pangyayari. Kaya hanggat maari, ayaw niyang mapalapit sa mga babae na alam niyang hindi naman talaga siya gusto. Kapag nakukuha niya ang mga ito, siya pa ang magiging masama at minsan ay napagkakama