HINDI nakaalis si Elias sa bahay nila Natassa dahil nakiusap si Karen na samahan muna niya ito hanggat hindi pa dumarating ang mga anak nitong lalaki. Iniwan siya nito sa kuwarto ni Natassa dahil magluluto pa raw ito. Hindi pa nagigising ang dalaga. Hindi siya mapakali. Palakad-lakad siya sa harapan ng kama. Mamaya ay lumuklok siya sa silyang katapat ng lamesa sa gilid ng bintana. Nakapatong sa ibabaw ng lamesa ang mga personal na gamit ni Natassa, katulad ng mga libro, litrato at kung anong abubot. Nakita niya ang isang pad na pink paper na may sulat kamay. Natukso siyang basahin ang nakasulat. Tanner, how are you? I’m sorry for how many days I didn’t meet you. My Dad knows everything about us. You know my Dad. Hindi puwedeng hindi masunod ang desisyon niya. Sorry kung hindi kita naipag