NANRIRINDI na si Natassa. Kanina no’ng siya ang topic ay nade-dedma niya ang dalawa, pero nitong iba na ang laman ng usapan ng mga ito ay naiirita na siya. Binilisan niya ang pagsubo. Mamaya ay dumating si Marcos. Nakaramdam ata na pinag-uusapan ito. Lumapit kaagad ito sa kanila nang makita si Hannah. “Uy, you’re here. Bakit hindi mo ako hinintay, ha?” sabi ni Marcos pagkalapit kay Hannah. “Nagugutom na kasi ako. Ang tagal mong nagbabad sa tubig. Tapos na akong kumain,” ani ni Hannah. “Samahan mo ako. Kakain din ako pero doon ako kakain sa clinic.” “Bakit doon?” “Nandoon si Alessandro. Nag-impake kami ng mga gamot. Walang nurse roon, eh. Pupunta kasi kami sa safe house sa Mactan,” turan ni Marcos. Marahas na tumayo si Hannah. “Ay, dapat lang akong sumama.” Umalis na ang mga ito na