TAHIMIK lamang si Natassa habang lulan sila ng chopper pabalik ng academy. Kailangan niyang matutunan ang trabaho ni Elias nang sa gayun ay madali niyang ma-monitor kung saan madalas nadedestino si Tanner. Pagdating nila sa researching office ay tinutukan kaagad niya ang ginagawa ni Elias. Awtomatikong nakakonekta sa system nila ang nasasagap ng radar na iniwan nito sa isla. Nakikita nila ang laman ng isla at mga pangyayari sa loob. Umupo siya sa silyang katabi ni Elias. Nahahati sa apat na bahagi ang video kung saan tinututukan ang apat na bahagi ng tunnel sa isla. Maraming bampira ang naroon at may mga kasalukuyang ekspiremento ang mga ito. Pinagmasdan niya maigi ang mga bampirang naroon baka naroon din si Tanner. Magbuhat noong pinagbawalan siya ng daddy niya na makipagkita kay Tan