"Ikaw ba may gawa nito?" Nganga. Tiningnan ko si Marvin dahil baka nagbibiro lang sya sa inaakusa sa akin. Nandito din ang ibang president ng Class A at meron din namang Class B, C at D. "Magsalita ka" galit nya pang dagdag. Hindi nga sya nagbibiro. Marahas kong binawi ang braso ko sa pagkakahawak nya at tiningnan sya sa mata ganun din naman sya sakin. "Bobo lang ako Marvin pero hindi ako kasing sama ng inaakala mo. Kung totoong class A ka bat di mo imbistigahan? Bakit di mo muna simulan baho ka manghusga at mang akusa ha?" Inis kong sambit at parang may nakita akong guilt sa mata nya. "Ikaw lang ang nakita kong napunta dito kahapon" inis nya pang sabi. "Oh? Porket ako lang nakita mo ako na aakusahan mo?" I laugh without humor "Seryoso ka? Kaya mo nga ako nakita kagabi di ba kasi di