CHAPTER 7

1446 Words
Nagising na lang kaming tatlo nila Alyana dahil sa ingay ni Mark at Kassey sa labas ng kwarto at saka ako tumingin sa orasan sa tabi ko. Oo nga pala nasan na kaya yung cellphone ko? Five na pala ng umaga kaya pala nagwawala na ang dalawa. Bumangon na ako at saka kumuha ng uniform, panty at bra saka agad at pumunta sa banyo. Iisa lang ang CR dito sa kwarto namin pero malaki may tatlong shower at dalawa pa para sa inedoro. Narinig ko naman na bumukas ang shower sa kanan ko at alam kong si Alyana yun. Sya kasi lagi ang gumagamit ng kanan na shower at sa kaliwa naman si Jasmjne. Paglabas namin ay halos mapatalon kami sa gulat pano ba naman biglang bumagsak si Mark at nasa likod nya si Kassey. "Tumigil na nga kayong dalawa" asar na sabi ni Henry at tiningnan naman sila ng masama. May something sa mga to feeling ko matatagal na silang magkakakilala at feeling ko pa kami lang nila Jasmine at Alyana ang hindi nila kakilala dito what I mean is yung hindi nila ganun kakilala. Agad naman tumigil sila at nagtawag na si Ange na kakain na kami. May cook kami dito at may schedule kami. At next week ako naman ang cook nila for two days halos lahat naman kasi samin hindi marunong magluto ako si Ange, Jasmine at Henry lang ang marunong ang iba? Nah never mind. Kahit sa pagkain hindi kami natahimik dahil itong si Kassey at Mark palagi na lang nagtatalo pero kung tutuusin gusto naming ganyan sila dahil ayaw naming tahimik ang grupo nin pero dahil sa sumusobra na sila ay napabuntong hininga na lang kami sa inis. Hindi naman kasi namin sila kayang pigilan kaya bubuntong hininga na lang kami. Pagkatapos naming kumain ay tinulungan ko si Ange na maghugas ng pinggan kita mo di ba? Kahit paghugas ng pinggan di talaga marunong ang mga yun. After nun ay pumunta na kami sa Mix building. Maliit lang to kumpara sa mga main building pero tama lang naman sya para sa mga student ng mix class. Pagpasok namin sa building ay agad naman naming nakuha ang atensyon nila. Bukod kasi sa mga gwapo at magaganda ang mga kasama namin ay matatalino pa sila kami lang talaga nila Alyana at Jasmine ang naliligaw. Pagpasok namin sa Mix Class 1 ang kaninang maingay ngayon ay sobrang tahimik nakakapagtaka pati tong mga classmate ko sa A naging seryoso parang walang balak makipagbiruan. Nakakapanibago. Umupo kami sa gilid sa may bintana ako pumuwesto at nasa tabi ko naman si Alyana sa kanan ni Alyana si Jasmjne sa likod naman namin si Henry. Solo nya ang likod. Pero yung kaninang tahimik ngayon napuno ng tilian di ata nila ineexpect na dito kami mapupunta napabuntong hininga na lang ako. "Jas, Al and Kes" napatingin kami sa likod namin. Kay Henry. "Bakit?" Tanong ko. "Kung ano man ang sasabihin nila sa inyo wag nyong papansinin ah?" "Huh? Bakit?" Takang tanong naman ni Jasmine. "Kung gusto nyo masaktan at mabasto sige pansinin nyo" supladong sabi ni Henry. "Grabe ka naman Hen!" Sagot naman ni Alyana pero di na nagsalita si Hery kaya humarap na kami sa black board. Siguro tama nga si Hery hindi namin dapat pansinin ang mga sinasabi ng iba. "Balita ko may tatlo sa kanila na hindi nag entrance exam" "Talaga? Sino?" "Hindi ko alam sabi ng President natin na special daw sila" "Talaga pano naman nasabi?" "Hindi ko nga rin alam eh. Ang balita ko pa mahina sila sa academics" "Boba naman pala sila bat pa sila nandito" Aray. First time kong masabihan ng boba ah. Sa tanang buhay ko kahit mahina ako sa academics di pa ako nasasabihan ng boba. Huminga ako ng malalim at saka ko pinakalma ang sarili ko di ako pwedeng magsimula ng gulo ngayon tama na yung isang beses at ayoko na maulit pa yun. "Good morning class take a sit" Napatingin kami sa babaeng kakapasok lang. Maganda sya sobra. Nakakahumaling ang ganda nya pero dahil sa babaeng babae ako hindi ako tinamaan ng kagandahan nya kahit pagkakaroon ng insecure hindi pero ang jba oo. Ang A wala lang sa kanila kahit sa boys wala lang. "Mukhang ang A lang ang di nagagandahan sakin ah" natatawang sabi ni Miss at sinamaan naman kami ng tingin ng mga estudyante. Taray ah. Hindi lang kami nagkaroon ng expression gaya ng kanila kung makatingin sila sa amin kulang na lang patayin na kami. Pero kung sabagay maraming may gustong mamatay kami lalo na sakin. Ewan ko lang kung bakit. "Okay class lets start the history of this school" tapos natahimik ang lahat "I am Seren from Twelve Academy ang kapatid ng school na to. Sa totoo lang walang Mint Academy dapat at dapat lahat kayo nasa Twelve Academy at dahil hindi nyo naman kayang gawin ang mga nagagawa namins a Mint Academy minabuti ng mga phantom na ihiwalay kayo at di idamay sa gulo. "A hundred years ago may naganap na phantom war betweek 12 phantom and chase phantom. Dahil sa inggit ng leader ng chase phantom sa kapangyarihan na meron ang twelve phantom. Yes, oo, alam kong nakakalito pero meron talagang mga tao na nag eexist na may kapangyarihan" Napalunok naman ako habang nakikita ko kung paano magkaroon ng halaman sa likod nya ang iba pang vine ay gumapang sa mga kamay nya. Nakakatakot naman ang babaeng to. "I can control all plants at kaya ko rin itong palakihin with in a second. So lets go back. Dahil sa unang phantom war ginawa ang Twelve Academy mayroong mga sobrang tatalino, beyond na sya sa utak ng isang tao at nakapasok sya sa Twelve Academy her name is Heres. Heres have a 500 IQ. Believe me or not thats the truth. Kahit na anong talino nya hindi sya makasabay sa mga physical na training kaya ginawa nila February ay inilagay sya sa intelligent section at dun nadiscover ang kakayahan nya gumawa ng mga weapons. At dahil sa kanya nagkaroon ng Mint Academy. "Simula pa lang meron nang dalawang naging kaibigan si Heres at ang dalawang yun ang tumulong para mahanap ang mga gaya nyong may IQ 250 above. Hindi ito alam ng mga nasa labas ang tungkol sa paggawa ng weapon dahil sa hindi ito dapat malaman dahil gagamitin nila kayo para gumawa ng mga malalakas na bomba na kayang wasakin ang buong bansa. "Tandaan nyo students na ang utak nyo ay dapat gamitin sa tama. Huwag sana kayong lumiko ng landas at sirain ang lahat ng pinaghirapan nila Heres. Nandito kayo sa school na to dahil iilan lang kayo sa mga maswerteng tao na napagkalooban ng ganito kataas na IQ huwag nyo sanang sasayangin ito. "Heres died three years ago where the Second phantom war happened." Malungkot nyang sabi at tumingin sya samin. "And I am afraid that the third phantom war is coming. I dont want you guys to be responsible but I want you to help us hindi namin kaya ang mga chase phantom kung hindi dahil sa mga weapon na ginagawa nyo. Third phantom war is approaching ang akala ng lahat naparay na nila si Hector ang pinakapinuno ng Chase phantom pero hindi pa pala. "Sana makaimbento kayo ng mga bagay na makakaligtas sa mundo. Huwag kayong mag alala dahil hindi kayo kasama sa lalaban. Walang masasaktan sa inyo. Chase Phantom doesnt know the existance of Mint Academy and we hope na hindi nila ito malaman. So thats the half of the history. " lalabas na sana sya ng tumigil saglit at tumigin sa amin. "Tomorrow imemeet nyo ang mga nasa special Class sa Twelve Academy Class A" nakatingin nyang sabi samin at napanod kami. Halos lahat kami hindi makapagsalita noong lumabas si Miss at halos lahat kami hindi pa rin makapaniwala sa sinabi nya. Bukod dun sa powers nya imemeet pa naman ang Special Class ng Twelve Acadmy. Shemay naman nakakakaba. "Bakakainggit naman sila" "Kaya nga eh sana pala ginalingan ko pa" "Sus mayayaman kasi ang mga yan kaya pabor sa kanila lahat" "Hindi naman siguro mukha naman silang natatalino" "Mukha lang pero may tatlong bobo sa kanila." Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko baka kasi makasakal ako ng Class D ngayon eh kung makapagsalita akala mo naman eh. Napatingin ako sa humawak sa balikat ko at nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino. "Kuya Marvin bakit ka po nandito?" Tanong ni Jullia. "Halika" sabi nya at hinila ako. Shems ano bang ginawa kong mali? Tumingin ako sa A at sa mga nasa classroom halata sa kanila ang gulat ako naman halata sa mukha ko ang pagkalito hindi ko alam kung bakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD