Kahit na labag man sa loob naming tatlo ang sumunod sa dalawang pumunta sa dorm wala din naman kaming magagawa kaya eto kami ngayon nakabuntot sa dalawang tao na nasa harap namin. Mabuti na lang talaga at wala nang tao sa hallway dahil lahat sila ay nasa dorm na nila, kinakabahan ako kahit alam ko naman sa sarili ko na wala silang gagawing masama.
Huminto sila sa harap ng isang pinto. Gold ang pintong to at may karatula na nakasulat. CLASS A's PRESIDENT ROOM. Mas lalo akong kinabahan bakit nila kami pinapagawag?
"Hahaha" napatingin kami sa lalaking senior. Oo lalaki ang senior at babae naman yung junior. "Huwag kayong kabahan dahil hindi naman nila kayo kakainin, huwag kayong mag alala mababait sila" dagdag nya pa.
"Tama si Ruz hindi naman sila nangangain pwro depende na rin sa offense na nagawa nyo"
"Oo nga no?!"
Kinabahan ako lalo pero narinig ko silang tumawa. Pinagtitripan ata kami ng mga to eh.
"Oh sya pumasok na kayo" ang tamis ng ngiti ng babaeng to.
Silang dalawa ang kumatok at agad naman iyon bumukas pero konti lang dahilan para kami ang magbukas at dahil sa ako ang nasa pinaka unahan wala akong choice kundi ako ang unang sumilip at pumasok. Nakakamangha dito sa loob para syang conference room na leisure room may oval na mesa sa gitna at may walong upuan sa gilid naman merong sofa na kasya ang labing dalawang tao. Meron ding flat screen TV.
"Nanjan na pala kayo" sabi ng isang babae at isa lang madedescribe ko sa kanya. s**t lang ang ganda nya! Nakakainlove. "Maupo kayo papalabas na din angviba" nakangiti nya pang dagdag. "Ako nga pala si Airie"
Naupo din naman kami sa sofa, yun kasi ang tinuro nya. Napalingon naman kami sa isang grupo na kakapasok lang dito at kung saan pumasok ang magandang babaeng yun na ang pangalan ay Airie may isa pang babae at dalawa pang lalaki. Yung isa parang kilala ko sya. Parang nakita ko na sya eh somewhere?!
"Sila na ba yun?" Tanong ng isang lalaki para syang happygo lucky, nakita ko sa gilid ng mata ko na nag nod si Airie "Wow. Magaganda nga sila" nagulat naman kami ng niyakap nya kami.
"Travis tigil tigilan mo sila wag mo silang tinatakot aba first year pa lang yan" sigaw naman ng isang babae saka binato ng kung ano yung lalaking lumapit samin.
"Aray ko naman Aki masakit yun ah" tapos tumawa lang si Airi. "Oo nga pala ako nga pala si Aki ang upper president ng Class A."
"Upper?" Takang tanong ni Jasmine.
"Hindi lang kasi apat ang level dito Jasmjne" nakangiting pang palapaliwanag ni Aki "Ako nga pala sj Akira pwede nyo naman akong tawaging Kira ako ang Third year Class A President" nakangiti nyang sabi. "Wag nyong tangkain na tawagin akong Aki dahil hindi ko yun maatim baka magaya kayo sa lalaking yan" nag nod na lang kami.
"Gaya nga ng sinabi ni Akira merong limang level dito sa atin. Ang freshmen kung nasaan kayo, sophomore kung nasaan si Marvin" nagkatinginan naman kami nila Jasmine at Alyana.
"Di ba ikaw yung kuya ni Jullia?" Nag nod naman si Marvin, sabi na nga ba eh. Sus napaka snob naman ng isang to di gaya ni Jullia.
"I'll continue. Next ay ang Junior level kung nasaan si Akira at ako naman ang sa Four year level. Ang upper level yan ay yung dagdag year lang dito bago lumabas ng school" pag palaliwanag sa amin ni Ate Airie.
"Bakit nyo po ba kami pinatawag?" Tanong ko at nabago naman ang mukha nila nawala ang ngiti at napalitan ng seryosong mukha.
"Nawiwirduhan lang kami sa inyong tatlo" deretsong sabi ni Akira. "Noong malaman namin na hindi kayo nag entrance exam pero nasa Class A kayo naguluhan kami" dagdag nya pa.
"Kalaban ba kayo o kakampi?" Napatingin naman kami kay Marvin.
"What?" Di ako yan si Alyana yan.
"Tandaan nyo hindi welcome ang kalaban dito"
"Teka nga lang huh? Wait lang di maprocess ng utak ko. Anong pinagsasabi mong kalaban? Anong akala mo samin mamamatay tayo? Eh gago pala tong isang to eh" inis kong sabi at pinigilan naman ako nila Alyana.
Hindi ko alam kung bakit pero hindi talaga ako nakakaramdam ng takot sa lalaking to kag Airie pwede pa dahil halata sa mukha nya na kailangan syang sundin pero ang lalaking to? Malabo ata.
"Anong sinabi mo Miss Akesia?"
"What? Aangal ka sa sinabi ko Mister Marvin? Porket di lang kami nakaexam at naging A kami eh magdadadada ka na jan na akala mo kilala mo kami?"
"Kilala mo ba kinakausap mo Akesia?" Tanong nya pa.
"Oo kilala kita Mister Marvin. Class A sophomore President" at nakipagtitigan ako sa kanya.
Hindi sana ako hahawi ng tingin ng di ko maririnig na tumawa at pumalakpak ang tatlo pa.
"Impressive" sabi ni Airi.
"Wow di ko akalain na freshmen ang makakatitigan mo tol" asik naman ni Travis at inakbayan si Marvin.
"Ayan na ang hinihiling mo Marv hindi sya natatakot sayo" sabi naman ni Airi.
"Tandaan mo to Akesia hinding hindi ka mawawala sa paningin ko"
"Matatakot na ba ako?" Sagot ko at umalis na sya.
"Akesia?" Napatingin naman ako kila Jasmine.
"Alam mo girl" dagdag pa ni Alyana.
"KYAAAAAAH" sabay nilang tili. Napataas tuloy kilay ko.
"Problema nyo?" Tanong ko.
"Epekto ni mArvin hahahaha" sagot naman ni Travis.
"Kung ako sayo kinikilig na ko"
"Same here"
Napailing na lang ako sa sinabi nila Alyana at Jasmine. Naupo naman ulit ako at saka ngumiti si Airi sakin na may pagkasamang proudness huh? Bakit? Wala naman akong ginagawa ah.
"Oo nga pala congrats sa pagkapanalo mo" sabi ni Airi. "Paano mo ba nagawa yun?"
"Ang alin?" Tanong ko.
"Yung pagkaasinta mo sa 1000 meter" sagot naman ni Kira.
Bumuntong hIninga ako.
"Sa totoo lang po dapat talaga na questionin ang pagiging A ko. Hindi naman kasi talaga ako magaling kahit na saang academics same with Jasmine and Alyana pero hindi ko rin alam kay Kuya Jared kung bakit ayaw nya kaming ilipat" I frown, pag naalala ko talaga yun naiinis ako.
"Tama po si Kesia. Hindi po talaga namin alam kung bakit kami nasa A. Kung nasa Class D kami pwede pa po tutal medyo marunong naman mami sa english pero po ang mapunta sa A?" nagkibit balikat na lang si Alyana sa sinabi nya.
"Sports jan lang ako magaling and I think ganun din sila Alyana at Akesia." Dagdag pa ni Jasmine.
"Alam nyo" pauna naman ni Travis at naupo. "Sa tingin ko hindi nagkamali ang phantom sa pagpili sa inyo. There is something special sa inyong tatlo at hindi nga lang namin ito malaman laman. Maybe the phantom can explain it"
"Eh ang problema Aki hindi naman natin basta basta makakausap ang phantom. Simula noong nakaraang war" sabat naman ni Travis.
"Tama si Travis, Aki. Hindi na natin makakausap ang phantom gaya ng dati dahil gaya ng sabi ni phantom January na maaring buhay pa rin si Hector kaya nga inihahanda ng lahat ang utak ng taga Mint Academy"
"Ahm excuse me" sabi naman ni Jasmine "Sino po si January? Hector? Nakakagulo" nagkatinginan naman sila.
"Bukas ipapaliwanag sa inyo. Sa ngayon umuwi na muna kayo sa dorm nyo" nakangiting sabi ni Airi at nag nod naman kami.
Agad naman kaming lumabas at saka naglakad pabalik sa dorm namin sa totoo lang medyo nakakatakot ang dadaanan namin pero dahil sa dami ng iniisip ko di ko man lang ito napansin at mas lalong hindi ko napansin na napahiwalay na pala ako sa dalawa. Napabuntong hininga ako ng mapansin kong malapit na pala ako sa gubat. Lumingon ako sa kanan ko at nakita ko ang gate.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Ay anak ka ng tukneneng"
"What?"
"Wala sabi ko wag ka naman manggulat jusme baka magkaroon ako ng sakit sa puso ng di oras"
"Tinatanong kita anong ginagawa mo dito? Isa ito sa forbidden place."
"Alam ko pero kasi di ko naman namalayan na dito ako papunta basta iniisip ko lang na kung sino yung January at Hector na nabanggit ni Kira"
Halata naman ang gulat sa mukha nya pero agad naman itong bumalik sa walang ekpresyon. Bumuntong hininga sya at naglakad.
"Wala ka bang balak umalis jan? Mabuti na lang at ako ang nakabantay ngayon dahil kung ang president ng Class B, C at D ang nakakita sayo magkakagulo ang lahat. Dalian mo na jan at ihahatid na kita sa dorm mo"
Walang sali salita ay agad naman akong sumunod. Syempre ayoko rin naman na magkagulo ang lahat dahil lang sa walang kwentang bagay I mean dahil lang sa walang muwang na pagpunta ko dito magkakagulo? Ano ba kasing meron sa school na to? Ano ang tinatago nito sa amin?
"Masyado kang maraming iniisip. Di naman sa maraming tinatago ang school na to. Freshmen pa lang kasi kayo kaya wala pa kayong alam"
"Huh? Nababasa mo isip ko?"
"Hindi. Pero naririnig, oo"
"Marvin?"
"Oh?"
"Anong school ba to?"
"School para sa matatalino kaya nga nakakapagtaka na nandito ka eh"
"Wow ah pasensya na ah! Sorry di ako kasing talino ng inaasahan nyo"
Grabe ang lalaking to hard kung hard magbitaw ng salita wala syang paki sa mararamdaman ng tao. Tumigil sya sa paglalakad kaya naman napatigil din ako, ibang klase ang lalaking to. Siguro kung isa akong normal na babae magtititili din ako dahil sa kagwapuhan nya pero kasi feeling ko di ako normal kaya di ako naattrack sa kanya. Hindi nga ba?
"Hindi ko talaga alam kung bakit at paano ka nakapasok dito pero itong tatandaan mo Akesia Cyrene Mendrez once na malaman kong kalaban ka hindi ako mag aatubiling patayin ka" nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig ko da kanya shemay masamang tao pala to "Joke"
"Joke?"
"Joke! Taga gawa lang tayo ng mga kagamitin at di tayo tagapatay"
"Huh?"
"Nandito na tayo sa dorm pumasok ka na may gagawin pa ako"
Napatingin ako sa pinto na malaki na nasa kaliwa ko. Kanina pa kami nandito pero di ko man lang to napansin lechi. Halos manlaki ulit ang mata ko dahil paglingon ko eh wala na si Marvin sa harap ko. Ibang klase din ang lalaking yun. Nakakatakot na nga mag joke nakakatakot pa lalo dahil bigla bigla na lang nawawala.
Naiiling ako pumasok sa dorm building at umakyat sa second floor. Nadaanan ko anv dorm room ng B, C at D nasa dulo kasi ang A may sarili kasing gate yun. Kinuha ko ang susi ng gate namin at saka binuksan tapos susi naman ng main door ang kinuha ko at pagpasok ko nakita ko lahat sila nakatingin sakin, I mean mga classmate ko.
"Anong nangyari sa inyo?" Tanong ko.
"Bakit ngayon ka lang?" - Jullia.
"Saan ka galing?" -Jasmine.
"Alammo bang alalang alala kami sayo?" - Alyana
"Bakit ka ba kasi humiwalay sa kanila?" - Kassey
"Sinong kasama mo?"- Ange
"Wait lang bigyan nyo naman ng--"
"TUMAHIMIK KA JAN MARK" sabay sabay nilang sabi.
"Una, ngayon lang ako kasi nawala ako. Pangalawa, hindi ko alam kung saan ako napunta. Pangatlo, no hindi ko alam na nag alala kayo hello nasa campus lang ako di ako mananakaw dito. At pang apat hindi ko naman akalain na mahihiwalay ako sa kanila pag nag iisip ako ng malalim at last wag kayong mag alala hinatid naman ako ni Marvin"
"WHAT?"