Paglabas na paglabas pa lang namin sa dorm namin agad na kaming pinagtinginan. Sa nakikita ko karamihan dito ay Class 1-C and 1-D wala akong gaanong nakikitang Class 1-B at kung meron man iilan lang samahan pa ng masasama nilang tingin.
"Hindi ko alam na ganito pala kapalaban ang Class 1-A" napatingin kami sa nagsalita.
"Raquel" banggit ko sa pangalan nya at ngumiti naman sya.
"Naalala mo pa pala ako?" Nag nod naman ako "Well thats good. Hindi ko akalain na sa ganitong paraan mag uumpisa ang pagiging close nyo sa ibang class!"
"Ah miss baka nagkakamali ka? Hindi closeness ang naging issue dito."
"No miss Kassey. Dito mag uumpisa ang pakikipagkaibigan nyo sa Class 1-B. And oo nga pala pumayag na si Headmaster Jared na gamitin nyo ang Archery field. Dalat nga daw sa Archery range kaya lang may 1000 meter kayo eh hanggang 500 meter lang ang nasa Archery range. Good luck sa inyo Class 1-A." Sabi nya at saka umalis.
Nagkatinginan naman kami at nagkibit balikat. Habang papunta kami sa Archery field ang dami naming nakakasalubong at ngayon may nakasalubong ulit kami. Base sa uniform nila second year na sila. Iba iba kasi ang color dito. Green lining sa freshment, yellow lining sa sophomore, blue sa junior at red sa senior. Sa badge mo lang talaga malalaman kung anong klaseng class sila nabibilang.
"Astig." Bulalas ng isang lalaki. Nalatingin ako sa kanila.
"See Marvin sabi na sayo yung aura nilang lahat di mapagkakailangng Class 1-A sila" sabi la nung isa.
"Tumahimik nga kayo Jeff at Jim" tapos tumingin sa amin ang lalaking Marvin ang pangalan "Hindi ko alam kung bakit sa simpleng bagay napalaki ng ganito."
"Kuya sino bang nagsabi na simpleng bagay lang ang pinag umpisahan nito?" Napalingon naman kami kay Jullia.
"Wag kang makisali dito Jullia."
"Bakit hindi ko? Nasa iisang Class lang kami. Pag kayo ba ininsulto di ba kayo lalaban? Mainsulto nga lang ang class nyo nanggagalaiti ka na sarili mo pa kaya ang insultuhin ng iba hindi ka ba manggalaiti? Wag kami kuya please lang. Wag din kayo mag alala dahil hindi damay ang sophomore Class 2-A and 2-B ganoon din ang iba"
Nakakapanayo balahibo ang pagiging cold ngayon ni Jullia. Kilala namin sya bilang isang easy go lucky na babae pero ngayon? Saka pinagtataka ko pa eh...
"Kuya?" Tanong ko esti namin pala.
"Ah yeah Kuya. Kuya ko sya" sabi ni Jullia. "Mauna na po kami" tapos nagbow kami at umalis na.
"Hindi mo sinabing may pogi kang kuya Jullia"
"Wag kang mag alala Kassey di ka nun papatulan"
"Wag kang magselos jan Mark dahil wag kang mag alala napopogian lang ako sa kanya at wag ka rin mag alala wala akong balak sayo" tapos umirap si Kassey at napailing na lang kami.
Nang makarating kami sa Archery field agad kami nagulat sa dami ng tao isama mo pa na lahat sila napatingin sa amin. Ganito ba talaga kalakas ang pagsagap nila ng balita? Base sa nakikita ko nasa left side ang mga Class A sa right side naman ang class B nasa middle left naman ang Class C at nasa middle right ang Class D. Napuno ang upuan djto sa Archery field at umingay ng dumating kami.
Ibat ibang class ang nandidito at di lang freshmen ang nandjto kundi pati sophomore, junior at senior na halatang naeexcite sa mangyayari parang feeling ko nga rin may nagpupustahan eh.
"Akala namin nagback out na kayo" sabi nung babaeng nakaaway namin.
"Dream on Miss Daisy. Alam nyo naman na mas marami kaming ginagawa kesa sa inyo di ba?" Pang aasar naman ni Ange
"Ikaw!"
"Hep hep dont dare. Wala sa policy natin ang manakit" singit naman ni Rachel at napatikom na lang ang kamay nila.
"Hindi naman sa pagmamayabang pero alam naman natin kung sino ang mauuna" at napatingin kami kay Daisy sya ata ang makakalaban ko "Dahil sa wala talaga kayong talent bilang A. Kapag kami ang manalo magpapalit tayo ng class, kayo sa B at kami naman sa A."
"Oh sure thing. That would be easy ang tanong kaya ba ng mind nyo ang mga ginagawa namin? You know nakafocus kayo sa chemicals samantalang kami sa lahat" pang aasar naman na sabi ni Arlene.
"Wag nyo kaming igaya sa inyo" at nagkibit balikat naman sila.
Kanina ko pa napapansin na di kami nagsasalita nila Alyana at Jasmine. Siguro dahil sa tama rin sila di talaga kami nababagay sa A pero sa tingin ko below the belt na ata ang kainggitan nila ni hindi man lang sila makuntento.
"Tapos na kayo dumaldal? Sisimulan na ba?" Walang gana kong sabi.
"Sure" nakangiti na sabi ni Daisy.
Umalis sa tabi ko ang mga classmate ko at naupo sa likod ko ganun din ang mga classmate ni Daisy. Ngayon kami lang ni Daisy ang nakatayo at agad kaming nalatingin sa Archery na nasa harap ko. Sinuri ko ito. Merong tatlong bow na nasa harap namin una ang recurve bow kung saan ginagamit ito sa olympic nasa gitna naman ang compound bow na ginagamit sa open field and next ay ang traditional bow na kahit saan. Napansin kong recurve bow ang kinuha nya kaya napangiti ako at ang compound bow ang kinuha ko.
Nagmamagaling ata to eh. Di naman pala alam kung saan dapat gagamitin ang mga bow. Agad na nawala ang table na pinaglagyan alam kong high tech sobra dito pero di ko akalain na ganun pala yun. Huminga ako ng malalim at nakita kong may apat na screen na lumabas. Dalawa dun ay kay Diasy ang isa nakatutok sa kanya at isa sa target ganum din naman sakin. Nung lumingon ako sa side ng class namin may apat din na screen dun ay susyal ah.
"FIVE METER" sabi ng emcee. Taray may emcee "FIRST SHOT FOR DAISY SU" iniunat nya ito at saka inasinta ang target at "BULLSEYE" ngumiti sya sakin at ganun din naman ako "SECOND SHOT FOR MISS AKESIA MEDREZ" ay taray pinaikli ang name ko ang ganda pa naman ng Cyrene. Huminga ako ng malalim at inerelax ang sarili ko. "BULLSEYE"
Masyadong maingay ang naririnig namin habang tumatagal ng tumatagal mas lalong umiinit at nagiging excite ang laban. Meron na ring matitinding ilaw na bumukas sa field ito ay para isupport ang mata namin at para makita din naman namin ang target.
"FOR 500 METER" sabi ng emcee "DAISY HAVE FIVE BULLSEYE AND THREE NINE. SA NGAYON NANGUNGUNA SI AKESIA MERON SYANG SEVEN BULLSEYE AND ONE NINE" sumigaw naman ang lahat. Hindi ako dapay matalo dahil kahihiyan to ng class namin "SECOND TO THE LAST NA TO" at mas lalong tumindi ang sigawan "YOUR SHOT MISS AKESIA" natahimik ang lahat.
Sa totoo lang di ko na sya gaanong kita pero sa taas ng board alam ko namagkakaprehas lang ang taas nito sa mga nauna. Inangat ko ng konti ang bow ko at nakita ko si Daisy napangisi at napangisi din ako. Hindi nya ba alam na malakas na ang hangin? At sa lakas ng hangin at sa force na ibibigay ng bow nya ay pwede itong sumobra?
"BULLSEYE" isang masigabong palakpakan ang ibinigay sakin "YOUR TURN MISS DAISY" natahimik na naman ang lahat at napa "Oohh" na lang ang lahat sabi na nga ba at tama ang hinala ko "SUMOBRA! HINDI KABILANG SA SCORE MEAN ZERO" halata ang inis sa mukha nya "1000 METER" at natahimik ang lahat walang umimik kahit naman di ko na to ipatama kami na ang panalo pero dahil ako ang naghamon ng 1000 meter kailangan kong ipatama ito.
Tinitigan ko si Dais kung paano nya asintahin ang target alam kong di na rin naman nya iyo nakikita at yung bow nya? Oo maaring kaya marating ang 1000 meter pero yun ay kung mas mahahatak nya pa ang string ng bow nya. May limit ang hatak nito hindi gaya ng compound bow na gamit ko na para talaga sa open field. Inirelease nya na at boom tumama nga five nga lang. "FIVE" palakpak lang ang natanggap nya at padabog na umalis
"Wag ka muna umalis watch me" tapos kumindat ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero mahina ako sa math pag dating sa sagutan pero sa ganito madali kong natatansya at nasosolve kung ilang force ba dapat ang iexert ko para nagcombine sila ng hangin at hindi maapektuhan ng gravity para makabullseye.
"BULLSEYE! CLASS 1-A. THE WINNER" agad naman nagsilapit samin ang mga kaibigan ko at yinakap ako.
~~~~~~******~~~~~~
"Hindi mo naman sinabi samin magaling ka pala sa archery" sabi ni Ange sakin.
"Oo nga" segunda naman ni Rachel.
"Eh hindi kasi ako magaling sa academics pero okay ako sa sports"
"Same here" singit ni Alyana
"Ako din" sabi rin ni Jasmine.
Napatigil kami sa kwentuhan ng may kumatok agad naman itong binuksan ni Mark.
"Good evening."
Nganga. Blue and Red lining with A Class badge. Halos lahat kami nanlalaki ang mata namin. Bakit nandito ang dalawa sa student ng Junior and Senior Class A.
"Go-good morning esti Good evening" sabi naman ni Jullia.
"Haha. Dont be tense anyway gusto lang naman namin makausap sila Jasmine, Alyana at Akesia kung okay lang?!"
"Oo okay lang po" sabi naman ni Rachel.
"Aray bat mo ko tinutulak?"
"Makinig kayong tatlo sumunod na kayo baka maparusahan kayo"
What? Kami? Bakiiiitttt?