CHAPTER 4

1170 Words
First class namin ngayon at halos lahat kami pagod pa rin sa pamamasyal kahapon at wala kami sa mood ngayon magsalita. Kasama namin ang teacher namin sa chemical combination at papunta kami ngayon sa chemistry building. Doon kasi kompleto ang mga gamit na gagamitin namin sa pagbuo ng kung ano man. Pag dating namin wala man lang katao tao dito sa loob ng laboratory one. Nagkatinginan kaming lahat at saka nag form ng circle. Meron kasing six table na mahaba pero nasa gilid yun tatlo sa kaliwa at tatlo din sa kanan pero merong round table na nasa gitna at dahil lahat kami ay iisang activity lang ang gagawin ay dito kami pinapwesto. Di naman daw kasi by two by three or individual it kaya naman sa round table kami. "As you can see nanjan na ang materials. First sugar pwedeng sucrose or table sugar, next is Saltpeter ito ay may element na potassium nitrate KNO3 pwede tong makita sa mga piling pharmacy. Next itong skillet or pan and last ang aluminum foil" "Sir ano po bang gagawin natin?" Tanong ni Jasmine. "Di ba po sir ang Potassium nitrate nagca-cause ng pagsabog? Tama po ba ako?" Tanong naman ni Kassey. "Yes nagca-cause nga sya ng pagsabog pero ibang klaseng bomba ang gawin natin" napasinghap naman kami "Gagawa tayo ng smoke bomb" nagkatinginan kaming lahat at saka ngumit "Alam kong naeexcite kayo pero kailangan nyong mag ingat dahil kapag nagkamali kayo ng lagay ng element ay pwede tong mag cause ng pagsabog" "Sa mga commercial sa normal na mundo ang smoke bomb ay merong maliit na butas kung saan lumalabas ang usok nito at doon sa butas rin na yun ay pwedeng maglagay ng mga dye kung gusto nyo ng makulay na smoke bomb. Lets start magsuot na kayo ng lab gown, mask, gloves and eye gear" Agad naman kaming nagsipuntahan sa locker at naglagay ng mga kailangan sa katawan. "Naeexcite ako" sabi ni Mark. "Umayos kayo pah sumabog ang smoke bomb na gagawin natin lagot kayo sakin" "Bomb nga di ba Kassey natural sasabog" natatawang sabi naman ni Jullia. "Okay. Lets start" agad na sabi ni sir at lumayo samin "First. The ratio of potassium nitrate and sugar is 5:3 pagmagkaparehas sila ng ratio mahirap o matagal ito masunog. Pero kung mas mataas ang ratio ng potassium nitrate mas mabilis itong masunog. Ilagay nyo sa isang bowl. One and a half cup na potassium nitrate and one cup of sugar." At dahil ako ang malapit ako ang gagawa. Sana di ako magkamali. "Second. Ilagay nyo na yan sa pan at haluin nyo kapag nakita nyo na natutunaw na ang asukal tanggalin nyo ito sa apoy." Si Jasmin naman ngayon ang gumawa "Dapat low heat lang sya. Haluim lang hanggang sa maging liquid na parehas color? Maybe caramel or chocolate color. Then pag naging liquid na tanggalin na ito sa apoy" tinanggal na naman ni Jasmine sa apoy. "Ngayon ilagay nyo na yung liquid sa aluminum foil at ishape akung gusto nyo ng may kulay lagyan nyo" nagkaisa kami na blue ang gagamitin at may nilagay la kaming kung anu ano doon. "Ngayon linisin nyo ang pan dahil mahirap yan tanggalin pag di agad nalinisan" si Mark ang naglinis. "Subukan nyo na" sabi ni sir at nagkatinginan kami. "Ikaw na nyan mag sindi Kassey" "Baliw ka ba Mark? Bakit ako? Ikaw na lang Jullia" "Ako na naman nakita mo Kassey wag ako si Jasmine na lang" "Hoy hoy umayos kayo ayoko pang mamatay" "OA mo Min ah" "OA na kung OA Alyana kung gusto mo ikaw na lang" "No thanks si Kesia na lang daw gagawa" nanlaki naman ang mata ko. "Ako? Bakit ako?" "Ako na" nakapoker face na sabi ni Henry. At dahil smoke bomb lang naman to kaya hindi na namin ginawa ang paglayo may mga protective gear naman kami eh. May mask din. Pagkasindi agad naman kaming napangiti dahil sa nagliyab ito agad at umusok ng kulay blue kaya lang boom may sumabog naubo tuloy kami. "What is that?" Tanong ko sa kanila. "Ewan" sagot naman ni Alyana. "Hindi rin namin alam." Dagdag pa ni Joseph. "May nailagay kayong chemical na hindi pwedeng ilagay" nagkatinginan naman kami "Hayaan nyo na mag ayos na kayo at gagawin ulit natin yun next meeting nandito na ang Class 1-B" nag nod naman kami at lumabas si Sir. Nagkatinginan naman kami at saka ako tumawa sa kanila at tumawa rin naman sila sa akin. May itim sa mga mukha namin at halatang kailangan namin maligo mamaya. "Ganyan ba talaga ang Class 1-A" napatingin naman kami sa nagsalita "Akala ko pa naman mas sila sa ating Class 1-B sa chemical combination hindi pala" dagdag pa ng isang babae. "Nakakadisappoint ah" sabi pa ng isang lalako. "Baka sa academic lang kayo magaling" sabat pa ng isang babae. "Oh? Di nga? Bakit naiinggit ba kayo sa pagiging Class 1-A namin?" Sagot naman ni Kassey. Hinawakan naman sya ni Jullia. "Sinong maiinggit sa ganyang klaseng class?" "Wow. Nahiya naman kami sa inyo Class 1-B" sarkastikong sabi ni Kassey. "Kassey" sabi ni Jasmine "Wag nyo kong pipigilan." "Ayaw pala papigil eh. Okay tutal pare parehas naman tayong bago dito bakit di tayo gumawa ng paliksahan? Mas maganda kung pisikalan para masaya di ba?" Nakangising sabi nung isa. "Sure" nakangiti ko naman sabi. Di ko nabanggit na kahit hindi ako magaling sa academics magaling naman ako sa ibat ibang klaseng sports. Lahat ng sports nasalihan ko na at lahat yun ako ang number one. Oo adik ako sa sports. "Oh. So archery tayo?" Nakangising sabi ng babae. "Sure" sagot ko pa "One on one?" Panghahamon ko. "Hoy ano ba pinagsasabi mo?" Napatingin ako kay Henry. "Hinahamon tayo eh. Anong gusto mo tumulala? Hello di tayo naging Class 1-A for nothing" oo tama di ako napasali sa class na to para sa wala "Sinong makakalaban ko?" Dagdag ko pa. "Ako syempre" "Good then. Mamaya after class sa Archery field tayo. Fifty to one thousand meter" nakangiti kong sabi at halata ang gulat sa mukha nya pero agad ding nawala. "Sure." "Lets go Class 1-A" sabi ko at sumunod naman sjla. Pagbalik na pagbalik namin sa classroom namin agad naman kaming nagkatinginan at napasabunot naman sila sa ulo nila. "Akesia! Malaking gulo to" napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni Joseph. "Oo nga Akesia 1000 meter? Seryoso?!" Nag nod naman ako sa sinabi ni Jullia. "Ikaw naghamon nyan kayanin mo may tiwala ako sayo" sabi naman ni Henry at natulog. Nganga. Lalabas sana ako kaya lang konti pa lang ang uwang ng pinto ng may marinig ako. "Isa sa Class 1-A at Class 1-B ang mag lalaban sa archery" "Talaga? Mukhang nag uumpisa na sila mag away" "Oo nga eh sino kaya mananalo?" "Malay natin." "Ano bang dahilan?" "Ang sabi ng nakarinig nauna daw tong Class 1-B pero may nagsabi din na nanghamon na lang daw bigla ang Class 1-A" "Imposible naman atang maghamon bigla ang Class 1-A sa nakikita ko di naman sila mayayabang" "Baka nagkainitan lang." "Baka"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD