CHAPTER 3

1353 Words
Kung kahapon hindi kami pinagtitinginan ngayon iba na. Dahil sa badge na suot namin ngayon ay pinagtitinginan at binibigyan kami ng way para makadaan. Kumpleto kaming Class 1-A ngayon na dumadaan sa hallway papunta sa classroom namin. Masyado pang maaga pero marami nang tao sa hallway. At kung laano kami nagkaroon ng badge well kahapon pagkatapos namin kumain ng dinner at readu na kami matulog may kumatok sa main door namin at pumasok saka binigay ang badge. Magsisilbi daw tong key namin pwede daw kami pumasok kahit saan. Maliban lang sa mga fobidden part ng academy. "Nakakailang ah" bulong ni Kassey samin. "Hayaan nyo na" "Sus Mark gustong gusto mo kasing pinagtitinginan ka ng girls hahaha" "Ako na naman ang nakita mo Kassey tigil tigilan mo ako" Napailing na lang ako sa dalawang to. Lagi naman silang ganyan simula noong pumasok sila dito sabi ni Kassey samim hindi na daw talaga maganda ang impresyon nya kay Mark kaya ganun pero si Mark? Lintek na tinamaan kay Kassey hahaha poor mark. Maraming tao sa harap ng classroom namin at sa tingin ko hinihintay nila kung sino sino ang mga student na nakapabilang jan. Nung marinig nilang tumikhim si Mark agad silang napatingin samin, nauna si Joseph at bumuksan ang pinto. "Ladies first" nakangiti nyang sabi. Napangiti naman kami pero yung mga tao sa labas halos magtilian. Sa totoo lang dose lang kaming mga babae at labing walo naman silang mga lalaki. Lamang talaga ang mga lalaki pagdating sa katalinuhan yan ang alam ko pero syempre palahuli ba ang babae? Kahit na di ako ganun kagaling sa academics ipapakita ko sa kanila kung sino ako pagdating sa activities. Saktong sakto lang ang upuan namin yun ang akala ko pero may isa pang sobra napatingin naman kami sa sobra na nasa pinaka likuran at nakatinginan naman kami. "May isa pa ata tayong classmate?" Di siguradong sabi ni Ange. "Siguro?" Dugtong naman ni Victor. Nagkatinginan ulit kaming lahat at napatingin sa taong nagbukas ng pinto at kung siguro hindi ko napigilan ang sarili ko nagaya na ko sa mga kasama ko. Ang gwapo nya at ang aura nya? Nakakatakot swear! Halata namang napangiti ang boys nung nakita nila ang lalaking pumasok. "Henry sabi na nga ba dito ka eh" sabi ni Mark. So Henry pala ang pangalan nya? "Hindi ba halata?" Naiiling na sabi nya habang nakangiti. Napatingin ako sa mga kasama kong babae at napailing na lang ako, tinamaan na angga loka. Napatingin din ako sa labas at nakita kong titig na titig din sila kay Henry. "Ahm Henry right?" Sabi ko at napatingin naman sila sakin. "Hoy umayos kayo wag nyo kong tignan ng masama sasapakin ko kayo. Alam kong trip nyo yan pero wala akong balak makiagaw sa inyo che" sabi ko at nag flip hair. Pano Ba naman sila Alyana grabe makatingin sakin. "One of the boys ka talaga Kesia" sigaw ni Mark at natawa naman ako. "Paki tanggal naman ng charm mo sa kanila lintek mababaliw ako bwisit" natatawa kong sabi at nagulat naman sya. "Nararamdaman mo?" Tanong naman ni Joseph. "Nararamdaman? Maybe? Pero yun kasi nakikita ko hahaha" Napailing na lang sila at nagbalik na sa dati. "Walang hiya ka Henry ganyan ka na ba kadesperado na magkagusto ako sayo? Pwe~" bulalas ni Kassey at natawa naman ako. "Kadiri ka naman Kass mahiya ka naman sa pinagsasabi mo" naiiling na sabi ni Henry. "Naku wag ako Henry! Iba na lang please lang" Natawa na lang kami. Una si Mark at Kassey ngayon naman si Henry at Kassey wala bang nakakasundo sa lalaki tong babaeng to? Halatang ang jnit ng ulo sa boys eh. Pero alam ko nararamdaman kong mahalaga kaming lahat sa kanya. Mag aasaran pa sana kami ng may pumasok na lalaki sa classroomat agad naman kaming napaupo at nakita kong nagsialisan na ang mga taong nanonood sa amin kanina. Sa totoo lang nakakatakot ang aura nya kahit napakagwapo nya. Yung totoo lahat ba ng gwapo dito sa school na to nilagay? "Good morning Class 1-A" "Good morning sir" "Sa ngayon kakalimutan na muna natin ang lesson dahil kailangan ko kayong itour sa buong school. Kung hindi ako ang adviser nyo panigurado na hindi ko to gagawin but I am glad na hawak ko kayo" nakangiti nyang sabi "Go and line up. Ladies first" ginawa naman namin ang sinabi nya agad nasa pangatlo ako sa unahan at saka naman namin dinaanan ang classroom ng B, C and D lahat sila napatingin samin "Itong building na to ay para saga freshman sa taas naman nito ay para sa sophomore sa taas naman nusa junior at sa pinakataas ay para sa mga senior. Pinagbabawalan ang lahat na pumunta sa floor ng junior at senior dahil hindi sila dapat nai-istorbo ng kahit na sino" paglabas naman namin ay may bus na nag iintay. "Masyadong malaki ang school para lakarin pumasok na kayo" hindi na kami nag aksaya pa ng panahon pumasok na nga kami sa loob ng bus, may pinuntahan kaming building "Ito ang building ng mga chemistry major." Malaki sya at kahit na salamin lang ang pader hindi mo pa rin makikita ang nasa loob "Katabi naman jya ang building para sa mga math major" kung titingnan mo para syang pa triangle pero kung susukatin mo cone ang shape nya pano ko nalaman? Wala ewan tansya ko lang naman yun "Ang mga math major sila yung sinasanay para maging architect at engeneering" napanod na lang naman kami "Ito naman ang building para sa english major sa loob nyan parang isang call center doon hinahasa ang mga english vocabulary and grammar ng mga student pero hindi lang yun basya call center dahil nakaprogram lahat ng sasabihin doon." "Kahit saan sa mga building na yan pwede kayo pumunta at hindi limit ang time nyo gaya ng mga major sa subject na yun. Kunwari ang Math major meron silang tatlong oras lang para manatili sa Chemistry building at ganun din naman ang iba." Waley masabi ang higpit ng posilities. "May mga library kada building pero kung hinahanap nyo ay books para sa mga chemicals nasa Chemistry building lang iyon makikita ganun din ang ibang books. Meron namang over all library pero may mga books doon na hindi makikita dahil nasa library ng mga bawat building" Umandar ulit ang bus at nadaanan naman namin ang isang gate di sya ganun kalaki ng gate namin dito sa school pero may nakita naman kaming mga student dun iba nga lang ang uniform nila. "Sila ang mga student ng kapatid ng school natin at wag na wag kayong lalapit sa gate na yan dahil ipinagbabawal iyon depende na lang kung may permiso kayo ng headmaster" halos manlaki ang mga mata namin sa nakita namin may babaeng tumingin at kumaway sa amin saka sya naging ahas halos mapasigaw naman kami "Isa yan sa dahilan kung bakit namin pinagbabawalan ang paglapit sa gate, iba sila sa atin." Pinaandar na ulit ang bus at mahigit sampung minuto ang itinagal namin bago namin madatnan ang isang bayan. Akalain mo yun? Sa likod ng magubat na daan isang napakaunlad na Village? "This is the Mitwe Village. Class D can come here three days a month, Class C four days a month, Class B five days a month and Class A one week a month. Bakit ganoon? Dahil sa school natin ang class D ang kailangan mag aral ng mabuti kaya sila ang may least na panahon makapag enjoy. Any question?" Tumingin sya samin "Yes Miss Jullia?" "Bakit po MiTwe Village ang tawag dito sa lugar na to?" "Good question Ms. Jullia. Itong MiTwe Village ay ang boundery ng dalawang school. Ang school natin at ang kapatid ng school natin. Dito sa village na to bawal ipakita kung anong meron ka sa school maliban sa pagiging Class A nyo. Pwede kayong makipag kaibigan at makipag usap sa kanila pero hindi pwedeng makipag away" at nag nod naman kami. "Naiintindihan nyo ba?" "Opo sir." we said in unison. "Okay you can spend your day here. Bawas na to sa isang linggo nyo" Hindi na namin ginawa pa ang mag reklamo dahil halata sa amin ang pagkaexcited.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD