CHAPTER 2

1667 Words
"Alam kong pupunta kayo dito" yan ang bungad ni headmaster Jared samin ni Alyana pagkapasok na pagkapasok namin sa office nya "Pero hindi ko alam kung bakit kayo paparito" dagdag nya pa saka ngumiti. Wow ang gwapo nya. Kung di lang sya mas matanda samin ng siguro mga ten years baka naging crush ko to. Nagkatinginan kami ni Alyana nung tumayo si Sir. "Have a sit" nag nod naman kami saka umupo at umupo din naman sya sa harap namin. "So?" Nagkatinginan muna kami ni Alyana saka kami pasimpleng humugot ng hininga saka ako tumungin kay sir. "Headmast---" "Kuya Jared much better pag tayong tatlo lang ang tao" nakangiting sabi naman ni Si- esti kuya Jared nagkatinginan naman kami ni Alyana at saka nagkibit balikat. "Ku-kuya Jared kasi" shemay nakakailang tawagin syang kuya! "Nagkamali ka po ata sa paglagay sa amin ni Alyana sa Class 1-A alam namin na kung may below class man dito, I mean kung may lower section man dito alam namin ni Alyana na doon kami mapupunta" "Tama po si Kesia, kuya Jared. Hindi kami magaling sa academics. Mahina ako sa math aaminin ko at di rin ako magaling sa combination ng chemicals at mas lalo namang hindi ako ganun kagaling mag english abah dinudugo po ilong ko once na nag e-english ako" "Kaya nga po kuya Jared palipat naman kami ni Alyana, okay na samin sa lower section" at nag nod naman si Alyana. Doon naman talaga kami nababagay ni Alyana sa lower section. Simula noong bata pa ako lagi akong nasa lower section napupunta dahil hindi ako magaling sa lahat maliban na lang sa isang bagay pero hindi naman yun kailangan dito dahil para sa school na to academics ang mahalaga. Tiningan namin na may pagkadeterminado sa mata namin si sir-- kuya Jared akala namin palayagan nya kami ni Alyana dahil sa pagtitig nya samin pero tumawa lang sya. "Pasensya na pero hindj kasi kami ang pumipili ng section nyo" nakangiti nyang sabi at napanganga naman kamk. Literal na nganga. "Eh sino po?" Tanong ni Alyana. "Pagpasok na pagpasok nyo sa gate dun na mismo inaanalize ang lahat sa inyo" napatingin naman kami sa kakapasok lang na babae "Naramdaman nyo yun di ba?" Dagdag nya pa at nag nod kami "Dahil sa pakiramdam nyo na yun, yun ang naging batayan ng gate s***h ng barrier kung saan kayo ilalagay na class. At dahil special student kayo na di na pinakuha ng entrance exam at nagawa nyo pang maramdaman nyun kaya naging Class 1-A kayong dalawa" "Tama si Raquel" napabaling naman kami kay Kuya Jared. "Ang barrier na yun ay di pangkaraniwan. Gawa yun ng 12 panthom at dahil doon nagawa naming iclassify lahat ng student. Mayroon pang kapatid ang school na to at kung magiging top student kayong dalawa magagawa nyong makapunta doon. Isa yung school para sa mga special din hindi gaya satin dahil utak ang special satin sa kanila iba. Malalaman nyo yan sa history class ng school na to and hope na maniwala kayong lahat" "Pero po hindi po yan ang issue namin" pagpupumilit ko. "I'm sorry Akesia Cyrene Mendrez and Alyana Marie Montaverde hindi namin kayo matutulungan dahil hindi kami kundi ang 12 panthom ang namili sa inyo ng class" Nganga. Lumabas kami ng office ni Kuya Jared ng wala man lang kaming nagawa. Sa ngayon nandito kami ni Alyana sa isang bech na nasa harap namin isang soccer field. Nakatulala at nag iisip kung ano ang pwedeng gawin para mailipat kami ng classroom ayokong makipagkompitensya sa mga sobrang tatalino baka mamaya mabuang ako jusme! "Aaah" napatingin naman ako kay Alyana nung sumigaw sya saka ginulo ang buhok nya. "Mababaliw na ko Kesia" naiiyak na sabi nya. "Ako rin naman eh" sabi ko saka bumuntong hininga. Hindi ko na alam ang gagawin ko alam ko sa sarili ko na wala akong ibubuga dito sa school na to. Si mama lang naman pumilit sakin na pumasok ako dito eh. **FLASHBACK** Kakauwi ko lang galing school dahil inaasikaso ko na ang pag enroll para di ako mahirapan at pagpasok na pagpasok ko bumungad sakin si mama na may kausap na nakatuxido. Nacurious naman ako kaya lumapit ako at kiniss si mama sa chicks nya. "Buti naman nandito ka na" nakangiti nyang sabi at humarap naman sya dun sa lalaki "Sya ang anak kong si Akesia Cyrene Mendrez" tiningnan naman ako nung lalaki at halos manayo ang balahibo ko. "We would like to inform you that your daughter Akesia Cyrene Mendrez will now going to study at Mint Academy" Nganga. Parehas kami ni mama nganga! Sino ba naman kasing mag aakala na merong mag e-escort I mean may pupunta dito sa bahay para lang sabihing papasok ako sa school ng matatalino. "Teka baka po hindi si Kecy (KC) ang sinasabi nyo nagkakamali po ata kayo di magaling sa academics ang anak ko" nag agree naman ako kay mama. May binigay na envelop ang lalaki at pag bukas ni mama doon nganga information ko ang nakalagay. Halos manginig nginig si mama sa nabasa nya akala ko nga magwawala dahil malalayo ako pero mali. "Kyaaaah anak sabi ko sayo eh special ka" naiiyak na sabi nya. "Mama naman pano naman ako naging special? Hello walang wala ako sa talino ng mga tao dun!" Inis kong sabi. "Hindi mo masasabi yan hanggat wala ka doon" sabi ng lalaki at may kinuhang box "Nandito ang uniform mo ang ID mo nandito na rin, mag aapear na lang dito sa ID mo kung anong class ka once na nakapasok ka na doon" "Ay taray high tech!" Sabi ni mama at kinuha ang box "Aalis na po ako" at nag bow sya. "Babye ingat" Nakatitig lang ako sa box hinatid kasi ni mama sa gate yung lalaki at nadatnan naman ako ni mama sa sofa na nakatitig sa box. "Matunaw yan kawawa ka wala kang masusuot." "Pero mama hindi ako bagay dun" "Hindi mo rin masasabi yan Kecy dahil wala naman tayong alam" nakangiti nyang sabi abah taray pamisteryoso epek pa tong mama ko "Basta papasok ka dun ha?!" "Ano pa bang magagawa ko?!" "Wala hahaha" **END OF FLASHBACK** Sabay na lang kaming napabuntong hininga ni Alyana. Hindi talaga namin alam ang gagawin namin. "Ang laki ng problema ah?" Napatingin naman kami sa nagsalita. "Hello. Ako nga pala si Jasmine Mendoza" nakangitjng sabi nya. "Akesia" walang ganang sabi ko. "Alyana" kahit na ngumiti si Alyana wala rin gana yung boses nya. "Ay taray ang laki talaga ng problema nyo. Ano ba yun?!" Tanong nya. "Napunta kasi kami sa Class 1-A eh hindi na namin alam na ganun ang mga student sa section na yun like hello hindi kami ganun katatalino" "Correction Kesia. Hindi talaga tayo matalino" Isang malalim na buntong hininga na naman ang pinakawalan naming dalawa samantalang nakatitig lang sa amin si Jasmine saka tumawa sinamaan naman namin sya ng tingin. "Alam nyo yan din ang problema ko eh pero wala na daw akong magagawa sabi ni kuya Jared kaya naman eto tinatawanan ko na lang. Wag na kayong madepress jan aba sayang ang beauty ah" Nagkatinginan naman kami ni Alyanan. Hindi kaya lahat ng nasa Class 1-A ay gaya namin. "No hindi lahat gaya nyo" napatingin naman kami sa babaeng papalapit samin sobrang seryoso "Im Kassey Morrie Class 1-A" nakangiti nyang pagpakilala nagpakilala din naman kami. "Tara na sa dorm dahil magpapakilala na tayong lahat" Oo nga pala ang dorm naming Class 1-A ay iisa lang at kwarto lang ang nagseperate sa amin. Tatlong tao kada kwarto base sa nakita ko sa kwarto namin ni Alyana. Habang naglalakad kami wala namang napansin samin, pare parehas naman kasi kami ng uniform di gaya sa dati kong school na tinitilian ako dahil sa ay never mind. Pero di naman ako ganun kasikat pero at least dito magiging payapa na ang buhay student ko di ko na kailangan magtago para sa magpapapicture. Pagpasok namin sa dorm namin agad naman natahimik ang lahat ng nasa sala. Malaki ang sala dito at ang isang daan na tao ay kakasya pero nasa trenta lang kami sa tingin ko. Agad din naman ulit umingay ang lahat at saka nagsikwentuhan. Marami kaming naging kaibigan at di mapag kakailang naging close ko sila agad. "OKAY GUYS ITS TIME PARA MAGPAKILALA. THIS TIME HINDI BASTA PAGPAKILALA KAILANGAN NATING ILABAS DIN ANG HINANAKIT NATIN O PINAG AALALA" nagkatinginan naman kami nila Alyana. "ROOM BY ROOM KAYA UNAHIN NATIN SA ROOM 010" Marami kaming narinig na hinanakit at pinag aalala. Kasama na doon ang pag expect sa amin ng mataas dahil nasa Class 1-A kami. "LAST SA ROOM 001" napatayo naman kaming tatlo nila Alyana at Jasmine. Ah so si Jasmine pala isa naming karoom mate. "I'm Alyana" "Jasmine here!" "Akesia" nakangiti kong pagpapakilala. "Nakakalagtaka di ba? Kaming tatlo di kami kumuha ng entrance exam pero nandito kami ngayon?" Alam na nila dahil nasabi na namin kanina "Hindi ko esti hindi namin alam kung matutuqa ba kami o hindi. Okay sana kung nasa lower section kami eh kaso hindi! Iyak!" "Matutuwa dahil di na nahihirapan yung utak namin para makapasa pero natatakot din naman kami kasi masyadong matqqs ang giging expectation sa aming tatlo dahil sq nqgkqroon kami ng special entrance sa school na to." dagdag pa ni Alyana. "Kinausap na rin naman namin si Sir Jared kanina at pinilit namin syang ilagay kami sa pinaka mababang section dito kung meron man pero hindi naman sya pumayag dahil ang sabi nya hindi sya ang namili at nag classify sa ating lahat. Natatakot kami dahil hindi naman kami magaling sa academics." Lahat sila napagasp sa sinabi namin pero unti unti din naman silang ngumiti hindi ngitinv pilit o ano, ngiting tumatanggap. "Huwag na kayong mag alala jan dahil nandito naman kami eh tutulunhan namin kayo." "Tama! Tama! We're sisters ane brothers here." Halos maiyak na ako sa sinabi nila naappreciate kong hindi nila kami hinusgahan dahil una sa lahat ay lahat sila mababait talaga. Maswerte kami nila Alyana at Jasmine na meron kaming ka-class na gaya nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD