Lahat kami halos di makapaniwala sa nakita namin doon sa box na nadiskubre namin at ngayon ay nasa field kami para sa P.E namin at nandito lahat ng section ng first year. Mahahalata mo na kung sino ang magkakaklase dahil sa kulay ng damit. Sa amin gold with A in the left hear tapos sa likod namin ay may nakasulat na name ng school at name namin with our favorite number. Sa B naman ganun din iba lang ang kulay, color silver ang sa kanila. Sa C naman color Bronze and para sa D kulay green. Tahimik lang kaming section A at mukhang walang may balak magsalita sa amin and I know na ang nakita namin kagabi ang nasa isip ng bawat isa sa amin. Habang kami tahimik ang ibang section naman sobrang ingay and mukhang nagkakatuwaan pa sila. May iilan na nagtataka sa amin may ilan namang walang paki. "