"Naghahallucinate ka lang ata kanina Keshia imposible kasi yang sinasabi mo." Sabi ni Arlene. Hindi kasi sila naniniwala sa kwento ko sa kanila eh totoo nga yun hindi ako nagbibiro. "Kakatapos lang namin mag usap ni kuya" napatingin kami kay Julia. "Totoong wala nang ibang nurse dito at si nurse Joy lang daw isang taon at kalahati na to." "Eh sino yun?" Takang tanong ko. "Naku Keshia di ba may lagnat ka kanina baka nga hindi mo namalayan na di sya totoo. Or baka mumu yun." Sabi ni Yana. Bigla naman silang napayakap samantalang ako tiningnan lang sila. Imposible talaga eh na multo yun dahil nahawakan ko sya, mainit ang kamay nya kanina hindi malamig. "Julia sino ang previous nurse?" Namutla naman si Julia sa tanong ko. "That explain why." Biglang sabi nya at natakot na tumingin sakin