JENNIE Matalim ang mga matang nakatingin ako kay Lyndon. Kumukulo talaga ang dugo ko sa lalaking ito. Harapan pa siyang nagsisinungaling sa akin, kahit may ebidensya na akong nakita, katunayan na may ibang babae ang pumunta dito at hindi lamang ako at si Mommy Bianca. “Sandali lang, love. Bago mo ako awayin, tanungin muna natin si Khen,” mabilis na sabi ni Lyndon ng makita niya, kung paano ko siya tingnan ng masama. “Tatawagan mo siya, para may kakampi ka magsinungaling, gano'n ba?” gigil at kuyom ang kamao na tanong ko sa kanya. “Hindi sa gano'n, love. Para pareho tayong maliwanagan. Aba, hindi ako papayag na magagalit ka sa akin at aawayin mo ako ng wala akong ginawang kasalanan.” Hindi ako kumibo, pero nanatiling hindi maipinta ang mukha ko sa harap niya. Nakasimangot at nag-aakusa

