JENNIE Napalunok ako nang dumapo sa punong tenga ko ang mainit na labi ni Lyndon at mabilis na gumapang ito pababa sa leeg ko. Pakiramdam ko ay biglang nanlabo ang matinong bahagi ng isipan ko, kaya hindi agad ako nakapag-isip ng maayos, ngayong sensual at mapang-akit na naglalandas ang mainit at basang dila niya sa balat ko. "I miss you, love. Na-miss mo rin ba ako kanina?" malambing ang tinig na tanong sa akin ni Lyndon. Naramdaman kong tumigil siya sa panghahalik sa leeg ko at bahagyang nag-angat ng mukha at muling inabot ang labi ko. Ang bilis ng bawat kilos niya. Hindi ko siya kayang tanggihan, kahit malinaw sa isipan ko, kung ano ang magiging resulta kapag hindi ko siya pinigilan. Alam kong mali ito, dahil posibleng maulit na naman ang mainit na tagpong nangyari sa aming dala

