JENNIE Ilang lunok muna ang ginawa ko para paluwagin ang naninikip na dibdib ko. Hinatak ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Lyndon at mabilis na pinunasan ang bumagsak na luha sa basang pisngi ko. Ayaw kong maging mahina. Kilala na ako ni Lyndon at alam kong hindi magtatagal ay magiging questionable sa kanya, kung bakit ibang pangalan ang gamit ko ngayon at biglang nagbago ang katauhan ko. Umayos ako ng upo at nag-iwas ng tingin kay Lyndon. Hindi ko siya kanyang tingnan ng matagal sa mga mata, dahil pakiramdam ko ay dinadaya lamang ako ng paningin ko. “Kung tinatanong mo ako, kung bakit pumayag akong magpakasal sa iyo, hindi kita masasagot ayon sa gusto mong marinig. Ang alam ko lang, ayaw kong masira ang reputasyon ko ng dahil sa iyo sa pangalawang pagkakataon. Maayos na ang buha

