JENNIE “Good morning, love.” Narinig kong bati sa akin ni Lyndon, matapos niya akong halikan sa labi. Inaantok na nagmulat ako ng mga mata. Nanuot kasi sa ilong ko ang amoy ng shower gel na ginamit niya, kaya alam kong naligo na siya, samantalang balot pa ako ng kumot at hubo't hubàd na nakahiga sa kama. “Anong oras na?” paos at mahapdi ang lalamunan na tanong ko kay Lyndon. Tumingin muna si Lyndon sa suot na relo sa braso at pagkatapos ay agad niyang sinagot ang tanong ko. “Past ten o'clock na, love.” Napabalikwas ako ng bangon dahil tanghali na pala. Nakakahiya! Ano na lang ang sasabihin sa akin ng mga magulang ni Lyndon? Ito ang unang pagkakataon na natulog ako dito sa bahay nila, pero heto at tinanghali pa ako ng gising? “What's wrong?” nagtatakang tanong ni Lyndon sa tabi ko

