Chapter 56

1821 Words

JENNIE Ilang minutong katahimikan ang lumipas sa pagitan naming dalawa ni Lyndon. Paulit-ulit na pinag-isipan ko, kung ito na ba ang tamang pagkakataon para pag-usapan namin ang tungkol sa pagiging secret agent niya. Hindi kasi ako sigurado kung magsasabi ba talaga siya ng totoo sa akin. Nagdadalawang-isip rin ako, dahil baka mapahamak lang ako sa gagawin ko, kung magiging padalos-dalos ako, dahil tuso ang lalaking ito, kaya talagang nag-iingat ako. Muli ay tumingin ako kay Lyndon at pinagmamasdan ko siya. Tahimik naman siyang nagmamaneho, habang hindi inaalis ang mga mata sa kalsada. “Pwede mo akong titigan hanggang sa makarating tayo sa bahay, love.” Narinig kong sabi ni Lyndon. Ang yabang talaga ng lalaking ito. “Assuming ka!” mataray na sabi ko sa kanya, sabay irap ng mga mata.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD