Masaya kaming pinagsaluhan ni Hugo ang niluto niyang omelet kahit medyo sunog ang kabila nito. "Wow! It's yummy," gagad ko nang matikman ko ang niluto nito. "Is that a joke?" maang nito. "No, babe, it's really yummy," giit ko kay Hugo na tila nagdududa kung ginu-goodtime ko ba siya o hindi. "Seriously, it's good, babe," seryoso kong turan. Doon ay nakita ko ang matamis na ngiti mula sa labi ni Hugo. "Thank you, babe," anas ni Hugo na nagpangiti pa lalo sa 'kin. "You're most welcome," sagot ko ngunit agad akong napakunot ng noo nang maulinigan ko ang hirit nito. "Pero mas masarap ka," usal ni Hugo dahilan upang tapikin ko ito sa balikat. Baka kasi may makarinig at kung ano pa ang isipin ng mga ito. "Hey, it's true," giit nitong bakas ang pilyong ngiti sa mukha nito. "Baka may makar