Natigilan si Vincent sa narinig sa kanyang tiyahin, ang mama ni Cherry. Dqdalawin niya sana ito nang saktong makita ang ginang na papalayo sa silid ng pinsan. Tatawagin niya sana ito nang makitang may tinatawagan ito kaya hindi na niya ginambala pa. Akmang kakatok na siya sa pinto ng silid ni Cherry nang maulinigan ang boses ang pasarkastikong tinig ng ginang. Hindi niya sana papansinin ito ngunit nang marinig niya ang mariin at galit na tinig nito ay marahan siyang lumapit upang pakinggan ang sinasabi nito. Sa mga marinig ay batid niyang galit na galit ang kanyang tiyahin habang hawak sa tainga nito ang kaniyang cellphone. Mas lalong na-curious si Vincent sa narinig na sinabi ng mama ni Cherry. "Of course, I want to know kung naabutan niyo ba ang target ninyo. Kung hindi lang kayo mga t