Paglabas namin sa malawak na pabrikang 'yon ay nakitang maraming camera at medya. Hindi tuloy kami nakaiwas at sinabi ni daddy na panahon na rin na ipakilala niya kami sa pubiko. Isang malaking balita ang nangyari dahil sa pagkakadawit ng pangalan ni General Edwardo Hermogenes sa kontrobersya hinggil sa pagkakaroon nito ng kabit. Nagpista ang medya sa buhay ni General Hermogenes, mas lalo 'yong nabahiran nang malamang ito ang may pakana ng kanyang pagkakadukot. Lumitaw rin na siya ang may pakana sa kidnapping incident ng anak nitong si Calvin dahilan upang mabaril ang heneral. May nag-link pa sa medya ang pagpatay nito sa dalawang dating tauhan, idagdag pang nagpatibay sa kaso laban kaya Susana Hermogenes ay ang testimonya ng dalawang lalaking nauna raw nitong kinuntrata bago kumuha n