Mas lalong naging tensyunado ang lahat dahil sa naging takbo ng usapin lalo na sa huling birada ng mama ni Hugo. Tumikhim ang matandang Sta. Maria. "Alam naman naming kaya niyong bayaran ang utang ninyo pero ang akala kasi namin ng aking esposa ay magkakasundo tayo para sa kasal ng ating mga anak," tugon nito saka tumayo. "Kung ganoon ay hindi naman namin papayagang makasal ang anak namin sa lalaking may aroganteng pamilya," pasaring nito matapos masaling ang kanyang ego. Akmang aalis na nang mabilis na sumabad si Monica. "Papa please stay, pag-usapan natin 'to ng maayos. Hindi ba gusto niyo ako tita para kay Hugo?" sumamo ni Monica sa mama ni Hugo. Ilang segundo ang lumipas pero walang salita ang namutawi sa bibig ng ginang. "Tita akala ko ba—" putol ni Monica na noon ay naiiyak na