Nang humupa ang init sa katawan namin ni Hugo ay mabilis naming inayos ang ilang gamit na natabig namin dahil sa init ng aming katawan lalo na ang katas na tumulo sa sahig. Natatawa na lamang kami ni Hugo habang nililinisan namin ang aming kalat. Dahil nagutom kami ni Hugo ay nag-order ito ng pagkain, nang silipin ko naman si mommy sa silid nito ay mahimbing na mahimbing ang kanyang pagkakatulog kaya hinayaan ko na lamang siyang magpahinga. "Tulog ba si tita?" usisa agad ni Hugo pagbalik ko sa dining table. "Yeah, marahil ay napagod sa biyahe," sagot ko nang makita ko ang pagsilay ng pilyong ngiti sa labi ni Hugo. "What is that smile for?" usisa ko. "Wala, babe," kaila nito. Napataas ang aking kilay. "Wala? Paanong wala?" bulalas ko dahil batid kong may ipinapahiwatig ang mga ngiti n