Tensyon ang bumalot sa aming tatlo sa pagdating ni Cherry lalo at mas lalong nang-uuyam ang tingin nito. "Ano'ng ginagawa mo rito?" mataray na tanong nito at nang mabaling ang tingin kay Hugo ay napangisi ako. "At dinala mo pa talaga ang bastardang ito sa pamamahay namin?" tila sita nito kay Hugo. Maya-maya ay nabaling pa ang pansin nito kay mommy dahilan upang mas lalong mainis. "Anong ginagawa niyong mag-ina rito?" nagdududang tanong nito. "Cherry, pwede naman sigurong magsalita ka ng mahi—" putol na wika ko nang sumabad ito. "Who are you para diktahan ako kung ano ang gagawin ko!" galit na gagad nito na mataas pa rin ang boses. "Bastarda ka lang, anak ni papa sa labas kaya wala kang karapatan na diktahan ako!" galit na galit na wika ni Cherry. "Cherry, why don't you listen," singit