Hindi malaman ni Hugo ang gagawin dahil hanggang sa sandaling 'yon ay wala pang tawag ang mga kidnappers ni Katherine. Nag-aalala na siya sa kalagayan ng kanyang mag-ina. "Sir, may bisita po kayo," wika ng kasambahay na galing sa labas. Nang tingnan ko kung sino ang nasa likod nito ay si Monica. "I came here para damayan ka," anito na tila nagbalik ang dating Monica na kilala niya na mabait at maunawain sa timbre ng boses nito. "Nabalitaan kong may tumangay kay Katherine, hindi kaya lalaki niya 'yon at siya ang tunay na ama ng kanyang dinadala kaya siya tinangay nito?" palatak nitong wika, nang mapansing nonsense na ang pinagsasabi nito ay agad niya itong binara. Buong akala pa naman ay nagbago na ito ngunit hindi pala. "Nagpunta ka rito upang siraan si Katherine, hindi para damayan ak