Kapwa napatigil sina Vincent at Cherry nang marinig ang tinig na tumawag sa una. Paglingon ni Cherry ay nakita ang isang babaeng papalapit sa kinaroroonan nila na tila susugod sa giyera. Mabilis 'yong sinalubong ni Vincent. "Monica, huwag kang gumawa ng eskandalo rito," mariing wika ni Vincent. "Sino siya?" mataray na tanong ni Monica. Nainis ang lalaki sa klase nang pagtatanong ni Monica na tila pag-aari siya nito. "Sino siya?!" ulit ni Monica na tinaasan pa ang boses dahilan upang matawag ang pansin ng ilang naroroon. "Jeeez! Monica, calm down, no need to raise your voice. Si Cherry, pinsan ko," pagpapakilala niya kay Cherry. Tahimik lang si Cherry na naiiling sa kinauupuan niya. "Sorry," mabilis namang hingi ni Monica ng tawad kay Cherry sa pag-aakalang dini-date ito ni Vincent.