Sa inis ni Cherry kay Vincent ay mabilis niyang pinatay ang tawag nito ngunit muli itong natawag sa kanyang cell phone dahilan upang tuluyan iyong patayin. Pinasiya niyang matulog na muna para may baon siya sa pagpupuyat niya mamayang gabi. Nang maalimpungat siya ay napansing alas singko na pala ng hapon kaya pinasya niyang hanapin ang ina upang usisahin ito. Kung tama ba ang hinala ng ama na ito ang may pakana sa pagkaka-kidnap ng bastardang anak nito. Pagbaba ng hagdan ay nakita ang ama sa sala kasama si Vincent dahilan upang agad na mapataas ang kilay niya. "Anong ginagawa mo rito?" bulalas niya sa lalaki. "I invited him para samahan ka sa lakad mo mamaya," singit ng ama dahilan upang mabaling dito ang tingin. "I told you, kasama ko ang mga kaibigan ko," mariing sagot ni Cherry sa