OCEANE POV BANDANG eight in the evening, may kumatok sa pinto ng room ko. Napabangon na muli ako at lumakad papunta roon, nang mabuksan ko ang pinto ay nakita ko si Annie. “Hello, Oceane! Iʼm back! Tapos na ako sa work ko!” malakas na sabi ni Annie sa akin, ang taas ng energy niya. “Kumusta ang pag—aayos ng gamit mo?” Sumilip siya sa kʼwarto at nakita ko ang pagsalubong ng kanyang magkabilang kilay. “Mukhang may kakaiba sa kʼwarto mo, Oceane...” sabi niya sa akin habang hindi maalis ang tingin sa kʼwarto ko. Nag—isang linya ang aking kilay dahil sa narinig ko mula sa kanya. “May kakaiba sa kʼwarto? Anong ibig mong sabihin, Annie? Wala naman kakaiba dʼyan. Wala naman akong ginagawa,” sabi ko sa kanya at muling tumingin sa room ko. Napatigil siya sa pagtingin sa paligid at tumingin na

