OCEANE POV NAPATINGIN ako sa paligid, ako na lamang mag—isa sa paligid ng hallway na ito. Sobrang tahimik sa paligid. Hinawakan ko na ang doorknob ng kʼwarto, bukas na iyon. Sobrang dilim kaya binuksan ko ang ilaw at lumiwanag ang paligid. Sobrang laki ng kʼwarto ko ngayon, mas malaki ang kʼwarto ito kaysa sa kʼwarto ko sa probinsya namin. Pumasok na ako at sinarado ang pinto ng magiging kʼwarto ko rito sa headquarters. Nakita ko ang ganda nito kaya halos hindi ako makapaniwala. Napasandal ako sa pinto habang mahigpit ang yakap ko sa maliit na bag ko. Nandito rin ang ibang gamit ko. May kama ako. May solong couch ako sa gilid nuʼn then may desk and table ako sa gilid, malapit sa pinto ng room, nasa ibabaw nuʼn ay ang susi ng kʼwarto at may lampshade rin. May television din sa tap

